‘Freddie Krueger’ namaril sa Halloween party sa Texas, lima sugatan

By Jay Dones November 01, 2016 - 04:16 AM

 

freddie kruegerSugatan ang lima katao sa isang Halloween party sa San Antonio, Texas makaraang walang habas na mamaril ang isang lalakeng naka-costume ng horror character na si ‘Freddie Krueger’.

Si ‘Freddie Krueger’ ang fictional character sa mga pelikulang ‘Nightmare on Elm Street’ na nakilala sa kanyang mga razor blade na mga daliri.

Ayon sa San Antonio Police, nagkakasiyashaan ang isang grupo ng mga dumadalo sa isang Halloweeen party nang dumating ang dalawang lalake kung saan isa sa mga ito ang naka-costume bilang si Krueger.

Gayunman, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng dalawa at ilang mga dumadalo sa kasiyahan dahil hindi imbitado umano ang dalawa sa party.

Dito na umano walang habas na namaril ang naka-Krueger costume na suspek na ikinasugat ng lima katao bago tuluyang tumakas.

Agad namang dinala sa pagamutan ang mga biktima samantalang patuloy ang paghahanap ng mga otoridad sa suspek.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.