3 bagyo, posibleng tumama sa bansa ngayong buwan – PAGASA

By Kabie Aenlle November 01, 2016 - 04:22 AM

 

philsnov1Dalawang low pressure areas ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng maging bagyo.

Ayon sa PAGASA, posibleng umabot sa tatlong bagyo ang inaasahang tatama sa bansa ngayong buwan ng Nobyembre.

Isang low pressure area (LPA) kasi na nasa Intertropical Convergence Zone ang nagdudulot ngayon ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan partikular na sa bahagi ng Mindanao, na nakaka-apekto rin sa Palawan, Bicol at Visayas region.

Gayunman, sinabi ng weather forecaster na si Loriedin de la Cruz, ang LPA na nakapasok sa bansa noon pang isang araw ay may malabong maging bagyo.

Samantala, posible namang maging bagyo ang isa pang LPA ang nasa labas ng PAR at huling namataan sa silangang bahagi ng Visayas region, pero malabo naman itong pumasok sa bansa.

Sa ngayon ay wala pang direktang epekto ang ikalawang LPA sa bansa, pero kung ito ay papasok sa PAR, ito ay papangalanang “Marce.”

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.