Palasyo, wala pang kopya ng resignation ni FVR

By Kabie Aenlle November 01, 2016 - 12:18 AM

 

fvr duterteNilinaw ng Malacañang na wala pa silang natatanggap na liham mula kay dating Pangulong Fidel V. Ramos na naglalahad ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto bilang special envoy to China ng administrasyong Duterte.

Ito ay ayon mismo kay Communications Secretary Martin Andanar.

Lumabas kasi ang mga ulat na kinumpirma ni FVR ang kaniyang resignation bilang special envoy mula nang bumalik si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa kaniyang state visit sa China.

Pero ayon kay Andanar, hindi naman nangangahulugan ang pagre-resign ni FVR na wala na siyang maiaambag sa pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa China.

Ngayon kasi aniya pinaka-kailangan ng bansa ang “stature and expertise” ni Ramos, lalo na sa pagpapatuloy ng mga nasimulan sa pagbisita ni Duterte sa China, kaugnay sa pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Mababatid rin na kamakailan ay panay ang pagbatikos ni Ramos sa mga hakbang ni Duterte at sa mismong administrasyon, sa pamamagitan ng kaniyang column sa isang pahayagan.

Giit naman ni Ramos, ang kaniyang mga kritisismo ay dapat tanggapin ng administrasyon bilang “brotherly advice” lamang.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.