Roxas hindi kailangang magbitiw agad sa DILG-PNoy

August 03, 2015 - 12:09 PM

via gov.ph
Gov.ph photo

Ayaw ni Pangulong Benigno Aquino III na magbitiw na agad sa kaniyang puwesto bilang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Sec. Mar Roxas.

Sa panayam kay Pangulong Aquino sa kaniyang pagdalo sa anibersaryo ng Bureau of Internal Revenue (BIR), sinabi nitong nais niyang manatili pa sa DILG si Roxas dahil marami pang trabaho na kailangang tapusin at maisakatuparan.

Sinabi ng pangulo na nais niyang plantsado na ang lahat ng bagay sa DILG para sa maayos na transition period. “I might prevail on Roxas to stay on his post a little longer to finish the things that are being done.,” sinabi ng pangulo.

Wala namang binanggit ang pangulo kung sino ang napipisil niyang ipalit kay Roxas.

Si Roxas ay nagpahiwatig na ng pagbibitiw bilang DILG Secretary matapos na magpaalam at magpasalamat sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) kanina sa isinagawang flag-raising ceremony.

Ang nasabing pamamaalam at pagpapasalamat ay ginawa din ni Roxas sa ipinatawag na general assembly sa DILG office ngayong umaga na dinaluhan din ng mga opisyal ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Binuweltahan din ng pangulo ang mga kritiko na nagsasabing maaring magamit ng administrasyon ang pondo ng gobyerno para sa kampanya ni Roxas sa 2016 elections.

Payo ni PNoy, tignan muna ng mga kritiko ang ‘history’ o ‘record’ ng administrasyong Aquino bago mag-akusa. Hindi aniya dapat ibintang sa kasalukuyang administrasyon ang posibleng mga maling nagawa ng mga nagdaang gobyerno.

Ayon pa sa pangulo, hindi kailanman ginawa ng kaniyang administrasyon ang paggamit ng pondo para sa personal na interest ng sinoman sa pamahalaan./Dona Dominguez-Cargullo

TAGS: Roxas will resign as DILG Secretary, Roxas will resign as DILG Secretary

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.