Bahay sa Mandaluyong pinasok ng mga armado, lima patay

By Jay Dones, Jong Manlapaz November 01, 2016 - 04:20 AM

 

Kuha ni Jong Manlapaz

Lima katao ang patay makaraang pasukin ng mga hindi pa nakikilalang armadong suspek ang isang bahay sa Perez St., Bgy. Addition Hills, Mandaluyong City at pagbabarilin ang nasa loob nito.

Kabilang sa mga nasawi ang mga biktimang sina Manuel Evangelista, 37, Jennifer Escalgar, 31, John Paulo Tuboro, 24, Edmar Villarde, 31, Marcus Apanyo at isang alyas Macmac na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang umanong pumasok sa loob ng bahay ang hindi bababa sa anim na suspek na pawang naka helmet.

Pinalabas muna  ng mga salarin ang isang batang babae na nasa loob ng bahay bago sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima hanggang sa mamatay.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa likod ng pamamaril bagaman aminado umano ang ina ng babaeng biktima na gumagamit ng droga ang kanyang anak.

Ayon pa sa ina ng biktima, may iniingatang  P200,000 umano ang kanyang anak na si ‘Jenny’ dahil kabebenta lamang nito ng bahay bagama’t hindi pa malinaw kung kinuha ito ng mga salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.