Mga checkpoints ipinaaalis na ni Gen. dela Rosa

CHECKPOINT
Inquirer file photo

Kumbinsido si Philippine National Police Chief Ronald “Bato” dela Rosa na hindi na epektibo ang mga fixed checkpoints na nakalatag sa iba’t bang panig ng bansa.

Paliwanag ni del Rosa, ang nangyayari ay iniiwasan  lamang ng mga kriminal ang pagdaan sa mga lugar na alam nilang may naka pwestong checkpoints.

Kaugnay nito, kumpyansa naman si dela Rosa na hindi magreresulta sa sa pagkadiskaril ng anti-criminality campaign ng PNP ang pagbuwag sa mga fixed checkpoints.

Giit ng opisyal, maari namang mag-set up sila ng mga mobile checkpoints kung kinakailangan na lamang ng sitwasyon.

Sa ngayon nagiging handicap lamang umano ang pagbuwag ng checkpoint sa mga pulis na ang pakay ay mangotong o mangikil sa mga motorista.

Dahil dito ipinag utos na ni dela Rosa sa kaniyang mga opisyal partikular sa mga police regional directors na pagtatanggalin na ang mga fixed checkpoints at gagawin na lamang ito kapag kailangan.

Tugon ito ni Bato sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na nagpapabuwag na sa mga checkpoint sa buong bansa.

Read more...