VP Robredo, dumalaw na sa puntod ng yumaong asawa
Dumalaw na si Vice President Leni Robredo ngayong araw sa sementeryo kung saan nakahimlay ang kanyang yumaong mister na si dating DILG Secretary Jesse Robredo sa Naga City.
Kasama ng Bise Presidente ang tatlong anak nila ni Jesse na sina Aika, Trisha at Jillian, nang bumisita sa puntod ng dating kalihim sa Eternal Gardens sa kanilang hometown.
August 18, 2012 nang masawi si Jesse Robredo matapos bumagsak ang eroplanong sinakyan nito sa karagatan ng Masbate.
Samantala, mas maagang nagtungo sa Manila Memorial Park sa Parañaque City si dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kahapon (October 30), siya’y dumalaw sa libingan ng kanyang mga magulang na sina dating Pangulong Cory Aquino at dating Senador Ninoy Aquino.
Kasama ni Pnoy ang kapatid na si Balsy.
Wala namang kumpirmasyon kung kailan dadalaw sa sementeryo sina Kris Aquino at mga nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.