Nakasaad sa guidelines na dapat isailalim muna sa pagsusuri ng Zika virus ang mga dugong ido-donate sa mga buntis na nangangailangan ng blood transfusion.
Ayon kay DOH Undersecretary Bayugo, hindi kakayanin ng ahensya na isailalim sa Zika screening ang lahat ng blood donors dahil hindi ito praktikal.
Kaya naman ipinag-utos na lamang na isagawa ito sa mga blood donation para sa mga nagdadalang-tao.
Nagkakahalaga ang screening ng P6,000 kada donor.
Maliban sa kagat ng lamok at pakikipagtalik, maaari ring mailipat ang Zika virus sa pamamagitan ng blood transfusion.
Maaari ring mahawaan nito ang sanggol sa sinapupunan kapag naimpeksyon ang ina nito.
Nai-ugnay ang Zika virus sa brain defects gaya ng microcephaly o maliit na sukat ng ulo ng sanggol kaysa normal na laki nito.