Puntod ni dating Sen. Miriam Santiago, dinadayo ng kanyang supporters ngayong Undas
Dinadayo ng publiko ang puntod ni yumaong Senadora Miriam Defensor-Santiago sa Loyola Memorial Park, Marikina.
Gaya ng hiling ng Senadora, katabi niyang nakalibing ang namayapang anak na si Alexander Robert.
Karamihan sa nagpupunta sa libingan ni Santiago ay nagpa-papicture o nagse-selfie sa tabi mismo ng nitso.
May mga nauna na rin nagsindi ng kandila at nag-iwan ng mga bulaklak para kay Santiago, at karamihan sa mga ito ay kabataan.
Matatandaan na noong kampanya para sa 2016 Presidential elections, halos mga kabataan ang taga-suporta ni Santiago.
Nasawi ang batikang Senadora noong September 29, 2016 dahil sa sakit na lung cancer.
Samantala, unti-unti nang dumadagsa ang mga taong dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay sa Loyola Memorial Park.
Ayon sa Marikina PNP, as of 8AM ay aabot na sa mahigit isang libo ang crowd estimate o nasa loob ng nabanggit na sementeryo.
Patuloy din ang pagpapa-alala ng pamunuan ng Loyola Memorial Park sa mga ipinagbabawal sa loob ng sementeryo kabilang na ang mga matutulis na bagay, baril, alak, sigarilyo, at lighter.
Mayroon nang nakumpiska, at karamihan ay mga sigarilyo at ilan kutsilyo at gunting.
Kabilang sa malalaking personalidad na nakalibing sa Loyola Memorial Park ay sina Nida Blanca, Julie Vega, Mina Aragon, Jon Hernandez, Jay Ilagan, German Moreno, Johnny Delgado at music icon na si Francis Magalona.
Maging ang mga politiko bukod kay Santiago na sina dating Senadora Gil Puyat at Ernesto Maceda ay doon din nakahimlay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.