Mga sementeryo sa Metro Manila, doble ang higpit sa seguridad ngayong Undas
Kanya-kanyang diskarte ang mga sementeryo upang matiyak ang seguridad at kaligtasan ang mga mamamayang dadalaw sa mga yumaong kaanak o mahal sa buhay ngayong Undas.
Ipinatutupad sa Manila South Cemetery ang ‘ID System’, upang maiwasan ang pagkawala ng mga batang tutungo sa sementeryo.
Sa sistema, ang mga bata ay susuotan ng name tag kung saan nakasaad ang contact number ng mga magulang o guardian, address at iba pang detalye.
Sa Heritage Park sa Taguig City, mahigpit din ang pagpapapasok sa mga tao dahil isa itong pribadong sementeryo.
Sa gate pa lamang ay tatanungin ng mga gwardiya ang bawat pumapasok kung sino ang nakalibing na dadalawin, at maging ang pedestrian ay tatanungin.
May traffic enforcer at motorized patrol din na nag-iikot upang maghakot ng mga basura.
Sa labas naman ng sementeryo ay may mga tent na may nakaposteng mga pulis at sundalo, upang magbigay ng assistance.
Ang traffic constables mula sa MMDA ay nakakalat na rin para tutukan ang daloy ng trapiko.
Sa Manila North Cemetery, na pinakamalaking sementeryo sa Maynila, kapansin-pansin ang police visibility.
Muli ring ipinaalala ng pamunuan nito na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga baril, matutulis na bagay, droga at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.