Apat na araw na hindi magagamit sa loob ng dalawang oras ang runway ng Kalibo Airport sa lalawigan ng Aklan.
Nagpalabas ng Notice to Airmen o NOTAM ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Kalibo Airport para sa isasagawang pagsasaayos ng runway.
Ayon sa CAAP, iiral ang NOTAM mula alas 6:00 hanggang alas 8:00 ng umaga mula ngayong araw, Agosoto 3 hanggang sa Agosto 6.
Dahil sa malakas na buhos ng ulan nabakbak ang runway 23 kung kaya’t kinakailangang maglaan ng dalawang oras simula ngayong araw, Lunes, hanggang sa Huwebes para makumpleto ang repair sa nabanggit na runway.
Maituturing na isa sa ‘busiest airport’ ang Kalibo International Airport na nag-ooperate ng 24/7 para ma-accommodate ang nasa tatlumpu’t-walong domestic flights at dalawampung International flights araw-araw.
Ang Kalibo ang gateway ng mga biyahe patungo sa dinarayong Boracay Island sa Caticlan./ Ruel Perez
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.