Ipagdasal ang mga biktima ng EJK ngayong Undas – CBCP official

By Isa Avendaño-Umali October 31, 2016 - 06:56 AM

dead drugs groupHinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CBCP ang publiko na bukod sa kani-kanilang mga yumaong kaanak o mahal sa buhay ay isama na rin sa mga dasal ang mga biktima ng extra judicial killings o EJKs ngayong panahon ng Undas.

Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Public Affairs Committee, isang Christian obligation ang pagdarasal para sa mga sumakabilang-buhay na.

Pero higit aniya na ipanalangin ang mga namatay sa marahas na pamamaraan dahil hindi sila naging handa sa kamatayan.

Sinabi ni Farther Secillano na marapat na ipagdasal ang kaluluwa ng mga biktima at pagpapatawad sa kanilang mga nagawang kasalanan.

Samantala, sinabi ng CBCP official na may mga misa na iba’t ibang mga simbahan na alay para sa EJK victims.

May mga opisyal ng simbahang Katolika ang bumabatikos sa paraan ng Duterte administration na ipatupad ang drug-war nito, na nagtatala ng kabi-kabilang kaso ng pagpatay sa mga hinihinalang drug pushers at users.

 

TAGS: CBCP, drug war, EJKs, CBCP, drug war, EJKs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.