Pagbibitiw ng kaniyang mga top aides, inaprubahan ni South Korean President Park

 

Tinanggap ni South Korean President Park Geun-hye ang pagbibitiw sa pwesto ng kaniyang mga top presidential aides, kabilang na ang kaniyang chief of staff.

Noong Biyernes lamang ay inatasan ni Park ang sampu sa kaniyang mga senior secretaries na mag-resign dahil sa scandal na yumayanig sa kanilang pamahalaan ngayon.

Ito ay may kaugnayan sa pagbibigay ni Park ng kopya ng kaniyang mga talumpati sa kaniyang matalik na kaibigan na si Choi Soon-sil para umano sa editing.

May mga spekulasyon rin na lumalabas na nagkaroon rin ng impluwensya si Choi sa ilang mga desisyon ni Park kaugnay sa mga polisiya at tauhan sa pamahalaan.

Ginamit rin umano ni Choi ang pagiging malapit niya kay Park upang mailaan sa ilang nonprofit organizations ang pondong hindi naman akma para sa mga ito.

Ayon sa tagapagsalita ng presidential office na si Jeong Yeon-guk, tatlong aides rin ni Park na matagal nang naninilbihan sa kaniya ang bumaba sa kanilang mga pwesto.

Read more...