Immigration staff sa NAIA, babalasahin

By Isa Avendaño-Umali October 31, 2016 - 04:28 AM

 

naiaMagkakaroon ng reshuffle sa mahigit apatnaraang immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA bilang paghahanda sa holiday season at para magsugpo sa kurapsyon.

Ayon kay Immigration Bureau commissioner Jaime Morente, sisimulan ang reshuffle sa November 01, 2016 at masasakop nito ang mga immigration officers at intelligence officers sa lahat ng NAIA terminals.

Sinabi ni Morente na ang reshuffle sa hanay ng immigration officers ay gagawin kada tatlo o apat na buwan, depende sa pangangailangan.

Paliwanag ni Morente, ang reshuffle sa mga personnel ay layon ding mapalakas ang serbisyo ng B.I., lalo na’t inaasahang ang pagdagsa ang mga pasahero sa paliparan sa holiday season.

Kaugnay nito, kinumpirma ni Morente na nasa apatnapung bagong immigration officers ang nakatakdang mag-report sa NAIA ngayong linggo.

Sila ay tatao sa  immigration arrival at departure counters ng NAIA.

Noong unang bahagi ng Oktubre, na-reassign o nalipat sa NAIA ang aabot sa tatlumpung immigration officers mula sa BI main office at iba pang field offices.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.