Walang naiulat na nasawi sa malakas na 6.6 magnitude na lindol na tumama sa central Italy.
Ayon kay Civil Protection chief Fabrizio Curcio, walang namatay sa lindol pero nasa 12 katao ang napaulat na nasugatan sanhi ng panibagong pagyanig.
Isa aniya sa sugatan ay nasa seryosong kundisyon.
Ang 6.6 magnitude na lindol na ito ay mas malakas kumpara sa tumamang 6.2 magnitude na pagyanig noong Agosto 24, 2016.
Una rito, naitala ang lindol sa magnitude 7.1 ngunit kalaunan ay ibinaba ito sa magnitude 6.6.
Isa sa mga tinamaan ng lindol ang bayan ng Norcia kung saan makikita ang unti-unting pagkadurog ng clock tower doon.
Nasira rin ang ilang istruktura sa Castelsantangelo sul Nera, at Arquanta del Tronto na dati nang naapektuhann ng lindol noong August.
Hanggang sa kasalukuyan, sunud-sunod pa rin ang mga aftershocks na nararanasan sa central Italy matapos ang malakas na lindol.
Matatandang aabot sa tatlong daang indibidwal ang nasawi sa August quake sa Italya.