Drug-war ng gobyerno, tuluy-tuloy kahit Undas

By Isa Avendaño-Umali October 30, 2016 - 02:21 PM

Mandaluyong drugsTuluy-tuloy ang Oplan Tokhang at Double Barrel ng gobyerno, kahit pa ginugunita ng buong bansa ang Undas.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO director Chief Supt. Oscar Albayalde, nakatutok pa rin ang mga pulis sa pagtunton sa mga pinaghihinalaang gumagamit at nagtutulak ng ilegal na droga.

Sinabi ni Albayalde na sa katunayan ay mayroon pa silang nakakalap na report ukol sa pagkaka-aresto sa mga sangkot sa droga ngayong long weekend.

Pero kasabay ng drug-war, sinabi ni Albayalde na kasama pa rin sa sentro ng kanilang trabaho ang pagtitiyak ng seguridad ng publiko na dadagsa sa mga sementeryo.

Ani Albayalde, sa kasalukuyan ay wala pang namomonitor ang NCRPO na anumang banta sa seguridad ngayong Undas holiday.

Muli rin siyang umapela sa mga mamamayan na maging mapagmatyag at agad na i-ulat sa mga pulis kung may kahina-hinalang bagay o tao na makita.

TAGS: double barrel, Oplan Tokhang, double barrel, Oplan Tokhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.