Katy Perry, nag-ala Hillary Clinton para sa isang Halloween party

 

Mula sa IG account ni Katy Perry
Mula sa IG account ni Katy Perry

Viral sa social media ang pag-aala ‘Hillary Clinton’ at ‘Donald Trump’ ng Hollywood couple na sina Katy Perry at Orlando Bloom.

Ginawa ito ng dalawa para sa Halloween party ni Kate Hudson, at ilang araw bago ang Presidential elections sa Amerika.

Sa kanyang Instagram, ipinost ni Perry ang kanyang transformation bilang si Clinton.

Sa isa pang photo ni Perry, kasama na niya at ka-holding hands pa ang isang ‘Bill Clinton.’

Mula sa IG account ni Katy Perry

Samantalang si Bloom, ay nakasuot ng orange wig at pulang sumbrero na may nakasaad na ‘Make America Great Again.’

Si Perry ay kilalang supporter ni Clinton, at sa katunayan ay nagtanghal pa siya sa Democratic National Convention noong Hulyo.

Read more...