Resignation ni South Korean Pres. Park, iginiit ng libu-libong raliyista

By Angellic Jordan October 30, 2016 - 01:33 PM

 

Photo from CNN
Photo from CNN

Libu-libong katao sa Seoul, Korea ang nag-rally upang ipanawagan ang pagbibitiw bilang pangulo ni President Park Geun-Hye.

Base sa tala ng pulisya, aabot sa labing dalawang libong raliyista ang nakiisa sa nasabing protesta.

Humaharap ngayon sa masusing imbestigasyon si Park matapos umanong mailabas nito ang state documents sa isang kaibigan.

Noong Biyernes, naglabas si Park ng kautusan na mag-resign ang sampu niyang senior secretaries dahil sa patuloy na kaguluhan.

Ang senior secretaries ang tumutulong sa pag-oorganisa ng mga polisya sa pagitan ng presidente at government ministries.

Ayon kay Spokesman Jung Youn-Kuk, magkakaroon ng reshuffling sa Office of the President sa darating sa panahon.

Sa website ng presidential office, pinagbibitiw ng South Korean President ang kanyang senior secretaries sa policy coordination, political affairs, civil affairs, foreign affairs and national security, public relations, economic affairs, future strategy, education and culture, employment and welfare, at personnel affairs.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub