DOJ, magdedeploy na rin ng SAF commandos sa medium security compound ng Bilibid

By Mariel Cruz October 30, 2016 - 11:40 AM

Kuha nI Richard Garcia
Kuha nI Richard Garcia

Pinaplano ng Department of Justice ang pagdedeploy ng PNP-SAF commandos sa medium security compound ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City.

Ayon kay DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II, lumipat na ang paglaganap ng illegal transactions kabilang na ang iligal na droga sa medium security compound matapos magpatupad ng PNP-SAF ng mahigpit na security measures sa maximum security compound Bilibid.

Bagaman kumpiyansa si Aguirre na hindi na makapagpupuslit ng iligal na droga sa loob ng national penitentiary, posibleng mayroon pa rin droga na nakatago sa naturang compound.

Una nang naglagay ang DOJ ng dalawang South Korean-made signal jammers sa maximum security compound para maiwasan na ang pagkakasangkot ng inmates sa anumang iligal na aktibidad.

Aabot sa tatlong daang PNP-SAF personnel ang naka-deploy sa maximum security compound ng Bilibid bilang kapalit ng jail guards ng Bureau of Corrections

Kamakailan ay nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang BuCor sa medium security compound na nagresulta sa pagkakarekober ng ilang kontrabando kabilang na ang labing walong cellphone.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.