LPA na binabantayan ng PAGASA, posibleng pumasok sa PAR sa araw ng Undas
Isang low pressure area ang binabantayan ngayon ng PAGASA na posibleng mabuo sa labas ng Philippine Area of Responsibility ngayong Linggo.
Ayon sa weather bureau, sakaling mabuo ang LPA, posibleng pumasok ito sa bansa sa Martes, November 1 o araw ng Undas.
Bukod dito, sinabi din ng PAGASA na makakaranas ng mga pag-ulan ang ilang bahagi sa Visayas, Mindanao at Palawan hanggang sa Araw ng mga Patay.
Ito aniya ay dahil sa umiiral na Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
Maaaring magdala ang ITCZ ng mahina hanggang sa katamtamang mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa Cataduanes, Camarines Sur, Albay at Sorsogon sa November 1 at 2.
Ang Cagayan, Isabela at Ilocos Norte ay makakaranas naman ng makulimlim na panahong na may mahinang pag-ulan.
Pero ayon pa sa PAGASA, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay inaasahang makararanas ng mainit na panahon sa araw ng Undas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.