Isang kulungan sa Yemen, inatake ng airstrike
Hindi bababa sa tatlumpung bilanggo at rebelde ang nasawi matapos atakihin ng airstrikes ang isang rebel-held security building sa Yemen.
Ayon sa mga security at medical officials, dalawang airstrike ang sumira sa nasabing gusali sa Al-zaidia security headquarters sa kanlurang bahagi ng Hodaydah.
Sa kasalukuyan, kontrolado ng mga rebeldeng Houthi ang nasabing lugar simula ng lumaban ito sa gobyerno noong 2014.
Sinabi naman ng isang military official na kalaban ng houthi rebels ang karamihan sa apatnapung bilanggong nananatili sa nasabing piitan.
Batay sa tala ng mga opisyal, tatlumpu ang napatay na mga bilanggo at rebelde taliwas sa apatnapu’t tatlong death toll ng Houthi media.
Samantala, aabot na sa pitong libo katao ang namamatay dahil sa kaguluhan sa Yemen ayon sa United Nations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.