Duterte, inaming hindi pa handa ang gobyerno sa pagtapos sa kontraktwalisasyon

By Rod Lagusad October 30, 2016 - 03:58 AM

duterte1Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi pa handa ang national government sa pagtapos sa kontraktuwalisasyon kahit na kanilang ipinanawagan sa private sector na gawing regular employee na ang kanilang mga emplyado.

Ayon kay Duterte, walang sapat na pondo ang gobyerno para siguruhing ang mga nagtatrabaho ay magiging ligtas sa kontraktwalisasyon, hindi tulad ng mga pribadong kompanya na ang mga regular ay aabot na sa libu-libong mga empleyado.

Mula sa datos ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 16,000 na contractual workers ang naging regular na sa kanilang mga trabaho simula ng pumasok ang Duterte administration.

Kaugnay nito, sa kasalukuyan sinabi ni Duterte na hindi pa kakayanin ng gobyerno ang pagsalo sa responsibilidad ng pag-upgrade sa regular status ng mga manggagawa.

Binigyang diin pa ng pangulo na ang gross domestic product ng gobyerno ay wala pa sa magandang estado pero hindi niya inaalis ang posibilidad na lahat ng government workers ay magiging regular.

TAGS: Department of Labor and Employment, gross domestic product, kontraktuwalisasyon, Rodrigo Duterte, Department of Labor and Employment, gross domestic product, kontraktuwalisasyon, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.