PNP, nagbabala sa publiko laban sa mga magnanakaw ngayong Undas

By Rod Lagusad October 30, 2016 - 03:53 AM

pnp1Magdedeploy ang Philippine National Police (PNP) ng mga police units sa mga sementeryo at maging sa mga residential areas ngayong Undas.

Inaasahan na ng mga otoridad ang malaking bilang ng mga tao na magpupuntahan sa mga sementeryo at ang pagkakaroon ng nakawan sa mga kabahayan dahil sa maraming mga pamilya ang aalis sa kanilang mga bahay para gunitain ang kanilang mga mahal sa buhay na yumao na.

Nagpaalala si Philippine National Police Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa lahat ng mga police units at personnel sa kanilang mga law enforcement at public safety duties.

Ayon kay Dela Rosa, inaasahan na walang break o leave ang kapulisan dahil ang mga ito ay magdu-duty sa mga sementeryo at mga subdivisions upang masiguro ang seguridad ng publiko.

Dahil sa taunang “exodus” ng mga taga Metro Manila na lumuluwas patungo sa mga probinsya mas pinaigting ng PNP ang police visibility at ang crime prevention and law enforcement operations.

Magpa-patrol ang local PNP units sa mga komunidad para maiwasan ang pagkakaroon ng nakawan.

 

 

TAGS: Metro Manila, Philippine National Police, Ronald "Bato" Dela Rosa, sementeryo, Undas, Metro Manila, Philippine National Police, Ronald "Bato" Dela Rosa, sementeryo, Undas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.