Sparring partner ni Pacquaio, bilib sa lakas ng Pambansang Kamao

By Rod Lagusad October 30, 2016 - 03:47 AM

pacquiaoIlang beses nang naging sparring partner ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao ang Mexican na si Ray Beltran sa loob ng ilang taon kung saan hanggang ngayon ay patuloy na hinahangan ang lakas nito lalo sa kanilang pinakahuling sparring sessions sa Wild Card Gym.

Ayon kay Beltran, na isang three-time world title challenger at ang 2014 World Boxing Council-North America Boxing Federation lightweight champion, mahirap na basahin ang galaw ni Pacquiao.

Kaugnay nito, dati ay magandang movement at rhythm ang ipinapakita ni Pacquiao pero ngayon ay mas maganda na ang technique nito.

Ikinabilib din ni Beltran ang pagkakaroon ng improvement ni Pacquiao sa lahat ng aspeto kahit na magte-38 taong gulang na ito sa Disyembre.

Dagdag pa ni Beltran, si Pacquiao ay nananatiling magaling at mahirap malaman kung kailan ito susugod.

TAGS: manny pacquiao, Ray Beltran, sparring partner, Wild Card Gym, manny pacquiao, Ray Beltran, sparring partner, Wild Card Gym

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.