Interactive horror house sa Vigan, dinadayo

By Rod Lagusad October 30, 2016 - 03:48 AM

viganPinakabagong atraksyon ngayon sa makasaysayang Heritage Village ang isang interactive horror house sa Vigan, Ilocos Sur lalo na ngayong paparating na Undas.

Ayon kay Ilocos Sur Governor Ryan Luis Singson, ang nasabing horror house ay konsepto ng provincial government sa ikalawang palapag ng Leona Florentino House sa Calle Crisologo.

Ang naturang horror house ay nagbukas noong October 5 at naging patok sa mga taga doon at maging sa mga turista.

Sa loob ng horror house ay makikita ang iba’t-ibang mga nakakatakot na halimaw, mga multo tulad ng white lady, mga zombie, mangkukulam, mga nun ghosts o kung tawagin ay Valack at tampok din ang iba’t-ibang nakakatakot na likha sa bawat sulok ng madidilim na kwarto.

Dagdag pa ni Singson, ito ay paraan para mai-promote ang Turismo sa lalawigan.

Bukas ang horror house araw-araw mula 5 pm hanggang 10 pm hanggang sa November 2.

TAGS: horror house, Ilocos Sur, Ilocos Sur Governor Ryan Luis V. Singson, Undas, VIgan, horror house, Ilocos Sur, Ilocos Sur Governor Ryan Luis V. Singson, Undas, VIgan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.