Pambato ng Ecuador, itinanghal bilang Miss Earth 2016

By Rod Lagusad October 30, 2016 - 03:45 AM

inquirer.net file photo

Kinoronahan bilang Miss Earth 2016 ang pambato ng Ecuador na si Katherine Espin na ginanap kahapon ng Sabado sa Mall Of Asia Arena.

Si Espin ay isa sa 83 mga kandidata na nakipagtagisan para tanghaling Miss Earth ngayong taon.

Pinalitan ni Espin ang pambato ng Pilipinas noong nakaraang taon na si Angelia Ong na nakapagtala ng back-to-back sa bansa kasama ang kapwa Pilipinong si Jamie Herrel na nanalo noong taong 2014.

Bigo namang makapasok ang pambato ng Pilipinas na si Imelda Schweighart sa Top 16 habang ang anak ng actor na si Gabby Concepcion na si Cloie Syquia Skarne na pambato ng Sweden ay nagawang makaabot sa Top 8.

Nagtapos naman bilang Miss Earth – Air (first runner-up) si Michelle Gomez ng Columbia, Miss Earth – Water (second runner-up) naman si Stephanie De Zorzi ng Venezuela at Miss Earth – Fire (third runner-up) naman si Bruna Zanardo ng Brazil.

Ang Miss Earth Pageant ay kinukunsiderang isa sa apat na pinakamalaking beauty pageant sa buong mundo kasama ang Miss Universe, Miss World at Miss International.

 

TAGS: Ecuador, Katherine Espin, Mall Of Asia Arena, Miss Earth 2016, Ecuador, Katherine Espin, Mall Of Asia Arena, Miss Earth 2016

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.