Russia, bigong manalo ng re-election sa UN Human Rights Council

russia mapBigong manalo ang Russia ng re-election sa United Nations Human Rights Council sa isang vote rights kung saan sinasabing ito ay may kaugnayan sa involvement ng Moscow sa giyera sa Syria.

Ibinoto ng UN General Assembly ang Hungary at Croatia bilang kinatawan ng Eastern Europe sa naturang council na siyang nagbabantay at nag iimbestiga sa mga paglabag sa karapatan sa buong mundo.

Kaugnay nito, ikinadismaya ng Russia ang naging resulta ng botohan.

Ayon kay Russian Ambassador Vitaly Churkin, matagal na silang naging miyembro ng council kaya umaasa siya na sa susunod ay muling makakasama na sila dito.

Mahigit 80 human rights group at aid organizations ang nanawagan sa mga UN member-states na patalsikin sa naturang council ang Russia dahil sa pagsuporta nito kay President Bashar al-Assad sa pagkakaroon ng madugong civil war sa Syria.

 

 

Read more...