Duterte, muling bumanat laban sa Amerika at iba pang bansa

By Chona Yu October 29, 2016 - 07:02 PM

duterte japan“Hindi kami patay gutom.”

Ito ang naging mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika at sa iba pang bansa na nagbibigay ng ayuda sa Pilipinas pero patuloy na nang-iinsulto at nakikialam sa kanyang pamamalakad sa pamahalaan.

Sa talumpati ng Pangulo sa launching ng Comprehensive Reform Development Agenda for Autonomous Region in Muslim Mindanao, sinabi ng Chief Executive na marami pang bansa ang malalapitan ng Pilipinas gaya na lamang ng China, Japan at Russia.

Sinabi ng Pangulo na kaya namang tiisin ng mga Pilipino ang kaunting kahirapan at kagutuman. Tama na aniya ang ilang taong pagpapaalipin ng Pilipinas sa Amerika.

TAGS: Amerika, Comprehensive Reform Development Agenda for Autonomous Region in Muslim Mindanao, Japan, Rodrigo Duterte, Russia, Amerika, Comprehensive Reform Development Agenda for Autonomous Region in Muslim Mindanao, Japan, Rodrigo Duterte, Russia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub