Karagdagang forensic test, nais masagawa ni Rep. Mangundadatu kaugnay sa pagkamatay ni Datu Ampatuan at Mayor Dimaukom

 

Nais ni Maguindanao Representative Dodong Mangundadatu na magsagawa ng karagdagang forensic test para makumpirma kung tunay bang napatay sa engkwentro sina Datu Saudi Ampatuan Mayor Samsudin Dimaukom at ang mga kasama nito.

Ayon kay Mangundadatu, hindi siya naniniwala sa ulat ng Philippine National Police na magdadala ng iligal na droga si Dimaukom nang siya ay mapatay. Aniya, diumano’y maayos na nakaparada ang kotseng sinasakyan ng Mayor at ilang sachet lamang ng shabu ang nasabat mula rito.

Giit ni Mangundadatu, dapat imbestigahan ng mga otoridad ang trajectory ng mga bala na tumama sa sinasakyan ni Dimaukom. Dapat din aniya na magsagawa ng paraffin tests sa bangkay ng mga nasawi kung tunay ngang binaril din nila ang mga pulis.

Ayon sa PNP, nagsagawa ng checkpoint ang pulisya sa Makilala, North Cotabato nang malaman na magdadala ng droga si Dimaukom. Anila, naunang magpaputok ang grupo ng Mayor, kaya bumaril din ang mga pulis.

Narekober ang 13 sachet ng shabu sa sasakyan ni Dimaukom.

 

Read more...