Duterte, bubuhusan ng pondo ang Moro Regions

By Len Montaño October 29, 2016 - 05:29 PM

finalBubuhusan ng pera ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Moro Regions dahil nais nitong tuldukan ang kagutuman sa bansa lalo na ng mga bata.

Sa kanyang talumpati sa Cotabato kaugnay ng Launching of Comprehensive Reform and Development Agenda for ARMM, sinabi rin ng Pangulo na nais niya na maging patas ang trato sa mga Moro, Igorot at Kristiyano.

Kinuwestyon ni Duterte kung bakit may mga programa na kailangan ng counter part kung pakikinabangan ito ng mga batang moro.

Plano ng pangulo na bumili ng mas marami pang farm tractors pero sinabihan naman nito ang mga tao na ingatan ang naturang mga kagamitan dahil pera ng bayan ang ipapambili sa mga ito.

Naawa ang Presidente sa mga batang nagugutom kaya nais niyang pondohan ang mga rehiyon ng mga moro.

Samantala, muli namang binatikos ng Pangulo ang Amerika partikular ang Ambassador nito sa bansa na si Philip Goldberg.

Pinapalabas umano ni Goldberg na nag-eenjoy siya sa pagpatay sa mga pilipino sa gitna ng kampanya laban sa droga pero hindi anya alam ng US Diplomat ang problema.

 

 

TAGS: Cotabato, Launching of Comprehensive Reform and Development Agenda for ARMM, Moro Regions, Rodrigo Duterte, Cotabato, Launching of Comprehensive Reform and Development Agenda for ARMM, Moro Regions, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.