Mga pilipinong mangingisda, nakabalik na sa Panatag shoal
Matapos ang apat na taon, nakabalik na sa pangingisda sa Panatag shoal ang mga pilipinong mangingisda.
Katunayan, maraming huling isda ang mga pilipinong mangingisda.
Kabilang sa mga huli ang black at orange na Lapu lapu, Bakalaw, Tanigue, Damas o Bisugong bato at iba pa.
Ayon kay Gilbert Rovinna, isa sa mga mangingisda, nagulat sila nang pumalaot at wala nang nakitang nagbabantay na Chinese coast guard sa Panatag shoal.
Ayon kay Rovinna, maaring ang pagbisita kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang dahilan kung kaya pinayagan na silang mangisda sa panatag shoal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.