MTRCB nagpaalala sa mga bus at ferry sa pagpapalabas ng pelikula sa kanilang mga biyahe

MTRCB May 25 three edited2Ngayong panahon ng Undas at dagsa ang mga pasahero sa mga bus at ferry ay paalala ang Movie Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sa abiso ng MTRCB, ang mga video na maari lamang ipalabas o ipapanood sa mga bus at ferry ay dapat hanggang PG lamang ang rating.

Hindi umano pwedeng ipalabas sa mga bus at ferry ang mga pelikula na ang rating ay mas mataas sa PG gaya ng R-13, R-16 o R-18.

Pwede rin namang manood ng free TV pero ayon sa MTRCB, dapat ay may kaukulang gabay sa mga panoorin.

“Panawagan po ng MTRCB ngayong Undas na ang maaari lamang ipalabas na mga video sa mga bus at ferry ay mga pelikula na hanggang PG rating lamang. Maari ding magpalabas ng Free TV pero may kaukulang paggabay sa mga panoorin,” ayon sa MTRCB.

 

Read more...