Isang sundalo ng Philippine Army ang namatay kahapon, Agosto dos, alas diyes ng umaga nang maputukan ng bomba na itinanim ng mga pinaghihinalaang miyembro ng Abu Sayyaf sa boundary ng Cabangalan- Lagayas, Tipo-Tipo, Basilan Province.
Kinilala ang biktimang si Cpl. Hadjulla Manda. Si Manda at ang iba pa nyang kasamahang sundalo ay nagkasasagawa ng security sa naturang parte ng Basilan Circumferential Road para kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Mujiv Hataman at sa kapatid nitong si Basilan Congressman Jim Hataman nang pinasabog ang IED.
Agad na namatay ang sundalo.
Kagyat ding nagsagawa ng clearing operations ang militar sa pinangyarihan ng insidente. Nakiusap ang military sa mga residente na makipagtulungan sa mga kinauukulan at agad i-report ang mga kahina-hinalang galaw at pangyayari kanilang lugar.
Napag-alamang ang pumutok na IED ay binaon sa isang puno ng marang ilang araw na ang nakalilipas ngunit walang nag-kusang iulat ito sa military o sa pulisya./ Josephine Codilla
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.