Disbarment case laban sa kaniya, tinawag na ‘circus’ ni Sen. De Lima
Naniniwala si Senadora Leila De Lima na ang paghahain ng disbarment case laban sa kanya sa Korte Suprema ay bahagi ng circus.
Ayon kay De Lima, nanghihinayang siya dahil ibinabagsak ni Dante Jimenez ang integridad ng itinatag nitong anti-crime watchdog na volunteers against crime and corruption.
Aniya, isang nakakatakot na payaso si Jimenez, na ang tanging gustong makuha ay atensyon ng media sa halip na hanapin ang buong katotohanan para sa libu-libong biktima ng drug related killings.
Dagdag pa ng senadora, kaduda-duda rin ang pagkatao nina Sandra Cam, ang jueteng scandal whistle blower at ang mga pinatalsik na NBI Deputy Directors na sina Ruel Lasala at Reynaldo Esmeralda.
Dagdag nito, ang ginagawa ng tatlo sa circus na kanyang binanggit ay katulad ng mga ginagawa ng mga sunod-sunurang unggoy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.