Iba’t ibang sangay ng pamahalaan, nakakuha ng mataas na performance ratings

11AM BREAK SWS SURVEY 1Nakakuha ng mataas na performance ratings ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan.

Base sa third quarter survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS), nakakuha ng net satisfaction ratings ang Senado ng +52, ang Supreme Court ng +40, ang House of Representatives na nakakuha ng +38 at ang gabinete ng +36.

Ayon sa SWS, isinagawa ang survey mula September 24 hanggang 27 gamit ang face-to-face interview sa may isang libo ang dalawang daang respondents.

Kabilang sa mga sinurvey ng SWS ang may tatlong daang residente sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Read more...