Ilang artista, kusang nagpasailalim sa drug test sa PNP

By Ruel Perez October 28, 2016 - 07:11 PM

Photo from Cesar Montano's FB page
Photo from Cesar Montano’s FB page

Kinumpirma nang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police na mayroong mga artistang nagtungo sa Camp rame para boluntaryong magpa-drug test.

Alas 11:00 ng umaga kanina ng umano’y isagawa ang drug test. Ginawa ang drug testing sa PNP crime laboratory.

Kabilang sa mga nagtungo sa PNP para kusang magpa-drug test sina Epy Quizon, Mylene Dizon at Joel Torre.

Samantala, nakipagpulong din ang samahan ng mga artista kay PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ayon kay Rez Cortez, Presidente ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon, nais nilang ipahiwatig ang kanilang intensyon na makipagtulungan sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Susubukan din umano niyang pakiusapan si Dela Rosa na huwag nang isapubliko ang mga artistang umanoy nasa narco list ni Pangulong Duterte.

Samantala sa Facebook page ng aktor na si Cesar Montano, ipinost nito ang larawan niya at ni Epy kasama si Dela Rosa.

 

 

 

TAGS: some artists went to PNP Headquarters to undergo drug test, some artists went to PNP Headquarters to undergo drug test

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.