Disbarment case, isinampa sa Korte Suprema vs De Lima

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2016 - 03:59 PM

de lima1Nagsampa ng disbarment case sa Korte Suprema ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at dalawang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Senator Leila De Lima.

Sa 43-pahinang reklamo, hiniling ng VACC at dalawang dating NBI deputy directors na sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala kasama ang whistleblower na si Sandra Cam na matanggalan ng lisensya sa pagiging abogado si De Lima.

Ito ay dahil sa umano ay gross immorality at paglabag sa Lawyer’s Oath at Code of Professional Responsibility ng senadora.

Ayon sa reklamo, pribilehiyo ang pagiging abogado at maari itong bawiin.

Ibinase ang reklamo sa testimonya ng mga testigong humarap sa House Committee on Justice sa pagdinig nila hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pahayag ng mga high profile inmates sa NBP, idiniin nila si De Lima na protektor ng ilegal na droga sa loob at maging sa labas ng Bilibid.

Sinabi sa reklamo na ang illegal drug trade sa Bilibid ay lumaganap para mapondohan ang kampanya ni De Lima sa pagkasenador.

 

TAGS: VACC and 3 other complainants ask SC to disbar de lima, VACC and 3 other complainants ask SC to disbar de lima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub