Matapos umano siyang kausapin ng Diyos, Pangulong Duterte, nangakong babawasan na ang pagmumura

By Jimmy Tamayo October 28, 2016 - 02:45 PM

Duterte Naia JapanNangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babawasan na niya ang pagmumura at kung kaya ay tuluyan nang alisin.

Matapos ang kanyang apat na araw na state visit sa Japan, ikinuwento ng pangulo na habang sakay sya ng eroplano pauwi ng Pilipinas, napagisip-isip niya ang kanyang mga sinasabi.

Habang tulog aniya ang kanyang mga kasama sa eroplano, isang boses daw ang narinig niya at sinabihan na itigil na niya ang pagmumura na nakagawian na niya sa kanyang mga talumpati.

Alam umano niyang boses mula sa Diyos ang nadinig niya.

Sa kabila nito, iginiit pa rin ng presidente na may mga panahon aniya na maaaring hindi pa rin niya maiwasan ang magmura o bumanat lalo’t hinihingi ng pagkakataon pero hangga’t maaari ay iiwasan na niya ito.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.