Eroplano ng Cebu Pacific galing Manila patungong Kuwait, na-divert sa Bahrain

Cebu Pacific Advisory
Cebu Pacific Advisory

Na-divert sa Bahrain International Airport and eroplano ng Cebu Pacific Air na galing sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at patungo sana sa Kuwait.

Sa abiso ng Cebu Pacific, ligtas naman na nakalapag sa Bahrain Airport ang flight 5J018 alas 9:02 ng umaga oras sa Pilipinas.

Ang makapal na fog umano sa Kuwait ang dahilan ng pag-divert ng nasabing flight.

Inaasikaso na ng airline company ang hotel accommodations at susunod na schedule ng flight ng mga apektadong pasahero.

Humingi naman ng paumanhin sa mga pasahero ang Cebu Pacific bunsod ng nasabing insidente.

 

 

 

Read more...