Mayor sa Maguindanao at 9 na iba pa, patay sa anti-illegal drugs operation
Sampu ang patay, kabilang ang alkalde ng isang bayan sa Maguindanao, sa operasyon kontra droga sa Makilala, North Cotabato.
Patay sa shootout sa isang checkpoint si Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao Mayor Samsudin Dimaukom at siyam na iba pa.
Ayon sa inisyal na ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad na daraan ang grupo ni Dimaukom sa checkpoint sa Barangay Old Bulatukan na may dalang shabu papuntang Maguindanao at Cotabato.
Pero nang pahintuin ng mga pulis ang convoy, nagpaputok na umano ang grupo.
Sinabi ni Chief Inspector Elias Colonia na mga pulis sa pangunguna ni Supt. Culaway ang nasagawa ng checkpoint.
Coordinated aniya sa kanyang tanggapan ang naturang anti-drug operation.
Dagdag ni Colonia, armado ang grupo ng alkalde at nagpaputok ang mga ito sa mga otoridad na gumanti naman ng putok.
Si Dimaukom ay una nang natukoy na bahagi ng listahan ng narco-politicians na hawak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.