Duterte binigyan ng 9.5 na score ng House Minority sa paglaban sa krimen

Kuha ni Jong Manlapaz
Kuha ni Jong Manlapaz

Kung ang pag-uusapan ay paglaban sa krimen, kuntento ang House Minority sa kasalukuyang hakbang na ginagawa ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay House Minority leader Rep. Danilo Suarez, sinabi nitong sa scale na 1 to 10, bibigyan niya ng 9.5 na grade si Duterte sa paglaban sa krimen at illegal drugs.

Aniya, maganda ang ipinakikitang performance ng administrasyon laban sa krimen lalo pa at malinaw naman ang determinasyon ni Pangulong Duterte na tuldukan ang kalakaran ng illegal na droga sa bansa.

Katunayan ani Suarez, sa kanilang lalawigan lamang sa Quezon, malaki ang ibinaba at ramdam ng mga residente na nabawasan ang crime incidents.

Sa scale na 1 to 10, sa paglaban ni Pangulong Duterte sa krimen, binibigyan ko siya ng 9.5. Sa amin sa Quezon dramatic ang pagbaba ng insidente ng krimen,” ani Suarez.

Gayunman, kung ang pag-uusapan ay ang foreign policy ni Duterte, sinabi ni Suarez na dapat laging alalahanin ng pangulo na siya ay general manager ng buong Pilipinas sa tuwing siya ay magbibitiw ng mga salita na sangkot ang ibang mga bansa.

Para naman sa mga miyembro ng gabinete ng kasalukuyang administrasyon, sinabi ni Suarez na bagaman marami ang nagpe-perform ng mahusay, may ilan pa rin na tila hindi pa nakakausad o wala pang development, ilang buwan matapos silang maitalaga sa kanilang mga pwesto.

 

 

 

Read more...