P51M halaga ng relief assistance naipagkaloob sa mga nasalanta ng bagyong Lawin

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2016 - 09:34 AM

Kuha ni Richard Garcia
Kuha ni Richard Garcia

Umabot na sa mahigit 51 milyong piso ang halaga ng relief assistance na naipagkaloob sa mga pamilyang nasalanta ng bagyong Lawin.

Sa disaster relief assistance update ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing halaga ay naipagkaloob sa mga pamilya naapektuhan sa CAR, Regions 1, 2, 3 at 5.

Nakapamahagi na ang DSWD ng 123,764 na family food packs.

At sa ngayon, mayroon pang nakastandby na halos 10 million pesos na pondo ang DSWD para ipantulong sa mga nasalanta ng bagyo.

Nasa 1,038 na pamilya na lamang ang nananatili ngayon sa mga evacuation centers o 3,709 na indibidwal.

 

 

TAGS: disaster relief assistance for Typhoon Lawin, disaster relief assistance for Typhoon Lawin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.