Eroplanong sinasakyan ni US VP candidate Mike Pence, sumadsad sa runway ng aiport sa New York
Sumadsad sa bahagi ng runway ng LaGuardia airport sa New York ang sinasakyang eroplano ni US Vice Presidential candidate Mike Pence.
Nagkukumahog na nagtakbuhan papalapit sa eroplano ang emergency crew ng paliparan para rumesponde sa insidente.
Maliban kay Pence, sakay din ng eroplano ang kaniyang campaign staff at mga miyembro ng media.
Kasama din niya ang kaniyang campaign advisers, asawa at anak.
Ligtas naman lahat ng sakay ng eroplano kabilang na si Pence.
Pero nagresulta ito ng pansamantalang pagsasara ng LaGuardia airport.
Agad din siyang tinawagan ni Presidential candidate Donald Trump para kumustahin ang kaniyang kalagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.