Number coding para sa mga provincial buses, lifted hanggang November 3

By Dona Dominguez-Cargullo October 28, 2016 - 06:56 AM

Buses LTFRBSinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hanggang sa November 3, araw ng Huwebes ang number coding para sa mga provincial buses.

Ito ay dahil inaasahan na marami pa ring mga pasahero na uuwi ng Metro Manila mula sa mga lalawigan.

Agad namang nilinaw ng MMDA na tanging mga provincial buses lamang ang sakop ng nasabing suspensyon.

Habang para sa lahat ng mga sasakyan, suspendido ang number coding mula October 31 hanggang November 1 dahil parehong idineklarang special non-working holiday ang nasabing mga araw.

Samantala, nagbigay na rin ng special permit sa mga pampasaherong bus ang Inter-Agency Council on Traffic (i-ACT) para matiyak na maraming masasakyan ang mga pasahero.

Sa ngayon, punuan na at marami na ang mga pasaherong nagpareserve sa mga bus terminal partikular sa Araneta Center sa Cubao.

Ang mga bus na biyaheng Bicol ay fully-booked na at ang mga pasaherong hindi nakapagpa-reserve ay magsisilbing chance passenger na lamang.

Mas marami ang inaasahang bibiyahe ngayong taon dahil sa long-weekend o apat na araw na walang pasok.

Kaugnay nito ay hinigpitan na rin ang seguridad sa nasabing bus terminal.

 

 

 

TAGS: suspension of number coding for provincial buses suspended until November 3, suspension of number coding for provincial buses suspended until November 3

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.