Presyo ng bulaklak sa Dangwa, tumaas na

By Jong Manlapaz October 28, 2016 - 04:21 AM

 

Kuha ni Angellic Jordan
Kuha ni Angellic Jordan

Ilang araw pa bago sumapit ang Undas ay bahagyang tumaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa market sa Maynila.

Ito ay dahil na rin sa nagdaang bagyong Lawin at Karen kaya naapektuhan ang suplay ng mga bulaklak na karamihan ay mula pa sa Baguio.

Ilang sa mga bulaklak na nagtaas na ang mga presyo ay ang:

Roses: Mula P180 ito ay P200 na;
Malaysian radus: Mula P80 pesos, ngayon ay P120 na;
Anthurium: Mula P80 ay pumalo sa P150;
Baby’s breath: P120;
Buttons green: P150;
Malaysian mums: P120;
Sun flower: P100

Depende rin sa flower arrangement ang pagtaas ng presyo ng bulaklak.

Ilan sa nagtitinda na bagamat binagyo ang mga bulaklak sa Baguio ay tuloy-tuloy pa rin naman ang suplay at hindi rin sila kinukulang.

Sa ngayon ay marami na rin ang bumibili ng bulaklak kahit pa isang linggo pa bago mag-Undas dahil inaasahan na lalo pang tataas ang presyo nito habang papalapit ang Nov.1 at 2.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.