Abu Sayyaf, kumita umano ng higit P350 milyon sa kidnapping activities-AP

By Jay Dones October 28, 2016 - 04:25 AM

 

abu-sayyafUmaabot umano sa P353 milyon o katumbas ng 7.3 milyong dolyar ang naibulsa ng bandidong Abu Sayyaf Group mula sa serye ng mga pagdukot sa loob lamang ng anim na buwan ng taong 2016.

Sa ulat ng Associated Press, malaking bahagi ng naturang pera ay nagmula sa ransom na ibinayad  para sa pagpapalaya ng 14 na Indonesian at apat na Malaysian crewmen na dinukot ng ASG at dinala sa Sulu.

P20 milyon din umano ang nakuha ng bandidong grupo sa pagdukot kay Marites Flor, na kasamang dinukot ng tatlong dayuhan noong nakaraang taon.

Lumilitaw din na bagamat naging epektibo ang mga opensiba ng militar laban sa bandidong grupo, hindi naman nito gaanong nabawasan ang bilang ng mga miyembro nito.

May kakayahan pa rin aniyang maglunsad ng mga pag-atake ang ASG dahil sa nanatiling buo pa rin ang grupo.

Ayon sa ulat, nagawa ng mga ito na maglunsad ng 32 bombing incidents sa unang bahagi ng 2016 na mas mataas kumpara sa naitala noong nakaraang taon.

Nagbago na rin ng stratehiya ang ASG na tinatarget na ngayon ang mga foreign-flagged na mga barko sa dagat.

Ang mga kinita umano ng ASG sa kanilang mga kidnap-for-ransom activities ang ginagamit ng mga ito upang makabili ng mga armas at bala.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.