Termino ng mga pulitiko, gustong gawing 4 years

By Isa Avendaño-Umali October 28, 2016 - 04:24 AM

 

congress1Isusulong ni House Minority Leader Danilo Suarez ang pagkakaroon na ng term limits, sa oras na matuloy na ang Charter Change o Cha-Cha sa pamamagitan ng Constituent Assembly o Con-Ass.

Giit ni Suarez, isa ang termino ng mga politiko sa mga napapanahon nang amiyendahan sa Saligang Batas.

Paliwanag ni Suarez, dapat ay tig-apat na taon lamang ang bawat termino ng lahat ng halal na opisyal, kasama ang Presidente at Bise Presidente.

Punto pa ng lider ng Minorya, maikli ang tatlong taon sa bawat termino ng mga Kongresista at opisyal ng mga lokal na pamahalaan.

Katwiran nito, wala nang nagagawa ang mga halal na opisyal kundi mangampanya na lamang nang mangampanya para masigurong mananalo muli pagdating ng eleksiyon, at ito ay dahil sa ikli ng termino,

Pero ani Suarez, depende na ang mga ito sa Con-Ass lalo na sa paglalatag ng detalye sa mga panukalang amyenda.

Magiging usapin din kapag naisakatuparan na ang term limits ay kung ilang beses silang pwedeng mag-re-eleksiyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.