Dayan takot na maipit sa isyu ng sex video kaya di susuko ayon kay de Lima

By Den Macaranas October 27, 2016 - 04:53 PM

Ronnie dayanIpinaliwanag ni Sen. Leila de Lima na bukod sa natatakot sa kanyang sariling seguridad, takot rin na paaminin si Ronnie Dayan na may sex video nga silang dalawa.

Sa panayam kay de Lima sa weekly forum sa Senado, sinabi nito na wala na siyang komunikasyon sa kanyang dating driver at bodyguard na si Dayan.

Pero inamin ng mambabatas na nag-text sa kanya ang anak ni Dayan na nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na lover ni de Lima.

Base sa kanilang huling pag-uusap, sinabi ni de Lima na tiyak na paaaminin si Dayan sa isyu ng sex video at illegal drug trade sa New Bilibid Prisons kapag ito ay nakuha ng mga otoridad.

“In other words, pagpipyestahan lang s’ya d’yan sa House inquiry na ‘yan, pipilitin siguro na paaminin na mayroong so-called sex video and all that. So just again to further the agenda of the President na talagang sirain ako, sirain ang pagkatao ko at sirain ang pagkakababae ko. So siguro yun ang naiisip n’ya, aside from ‘yung threat sa kanya kaya ayaw nyang lumitaw,” paliwanag ni de Lima.

Magugunitang ipinag-utos ng liderato ng Kamara ang pagpapaharap sa pagdinig ng House Justice Committee kay Dayan makaraang isangkot ang kanyang pangalan sa kalakalan ng droga sa loob ng NBP noong siya pa ang driver at bodyguard ni de Lima na dating kalihim ng Department of Justice.

Kamakailan lang ay sinalakay din ng mga otoridad ang bahay ni Dayan sa Urbiztondo, Pangasinan pero bigo siyang makita ng mga otoridad

TAGS: de lima, Illegal Drugs, NBP, ronnie dayan, de lima, Illegal Drugs, NBP, ronnie dayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.