Pulong nina Duterte at Emperor Akihito hindi natuloy ngayong araw

By Den Macaranas October 27, 2016 - 04:07 PM

Akihito
Inquirer file photo

Hindi natuloy ang nakatakda sanang state call ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Japanese Emperor Akihito.

Namatay kasi ang tiyuhin ni Emperor Akihito na si Prince Mikasa sa edad na 100.

Si Prince Mikasa ang bunsong kapatid ng ama ni Emperor Akihito.

Sa panayam sa pangulo, sinabi ni Duterte na kaninang umaga ay sinabihan sila ng mga protocol officials na huwag nang tumuloy sa official residence ni Emperor Akihito dahil nagluluksa pa ang Royal Family.

Nauna nang sinabi ng ilang Japanese officials na inaabangan nila ang magiging paghaharap nina Duterte at Emperor Akihito kung saan ay may ilang bagay pa silang inihabilin sa pangulo kasama na dito ang wastong pananamit at tamang decorum.

Kahapon ay naging mabunga ang pakikipagpulong ni Duterte kay Japanese Prime Minister Shinzo Abe kung saan ay nagkasundo ang dalawang lider na mas lalo pang patatagin ang ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.

TAGS: Akihito, duterte, Japan, official visit, Akihito, duterte, Japan, official visit

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.