Mahirap na Pinoy nabawasan ayon sa gobyerno

By Alvin Barcelona October 27, 2016 - 03:47 PM

Shanties
Inquirer file photo

Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap sa Pilipinas.

Ito ang lumabas sa huling pag-aaral na ginawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base sa nakuhang datos ng PSA, bumaba sa 21.6 percent ang mga naghihirap na Pinoy noong 2015 na hindi hamak na mas kaunti kumpara sa 26.3 percent na naitala noong 2009.

Ayon kay Lisa Grace Bersales, National Statistician ng PSA, nalampasan ng bilang na ito ang target na itinakda ng pamahalaan na para sa taong 2015.

Sinabi ni Bersales na ito ang resulta ng pagpapatupad sa mga anti-poverty program ng gobyerno partikular ang 4P’s o Pantawid Pamilya Program.

Kumpiyansa si Bersales na magtutuloy tuloy ang pagbaba ng poverty rate ng bansa sa ilalim ng Duterte administration lalo’t dinagdagan nito ng rice assistance ang mga benepisyaryo ng 4Ps.

TAGS: dswd, duterte, Poverty, psa, dswd, duterte, Poverty, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.